_______________________
Weakling. Weakling!
Paulit-ulit sinasaklot ng salitang ito ang kanyang hinagap. Weakling. Wala naman talagang malalim na kahulugan. Wala nga ba?
Hindi niya kasalanan kung bakit siya ganoon, hindi niya gustong magbigay ng ganoong impresyon. Ngunit sa ayaw niya o sa gusto, ganoon ang mga tao. Kung ano ang unang pumasok sa
isip, yun na. Kung nakita nilang pipilay-pilay, kawawa. Kung nakita nilang magulo ang buhok, marumi ang katawan at madungis, snatcher yan. Kung nakitang sobrang payatin at
mukhang mahina ang katawan, may TB yan. Kung nakita nilang may kotse, maporma't may hitsura, wow, mayaman at pwede yan. Kung nakita nilang "pangit" ay hindi ka papansinin at
madalas ay magiging tampulan ka ng sari-saring panlalait. Kung lalaki ka naman at napansing may itsura ka, aba, babaero yan.
Uy, babaero yan. At kung sinong kawawang babae ang kasama niyang naglalakad sa oras na yun ay ang kawawang "bagong tsiks". Automatic yun.
At dahil uso na ang pakikipagtsismisan mula pa noong panahon ni Rizal, kakalat na parang cold virus ang balita. May bagong tsiks ang binata.
Haha. Mga anak nga kayo ni Boy Abunda.
________________________
Sunday, January 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

i like! \m/
ReplyDeleteThanks, Amei!
ReplyDelete