________________________________
Francisco Balagtas + Giacomo Casanova
________________________________
Ako'y di matahimik
Pagka't ika'y walang imik
Ang todo-todong pananabik
Ninanasang iyong maibalik
Alam mong alam ko.
Alam kong alam mo.
Di maitatatwang,
Ikaw ay digs ko.
Ako'y hindi patay
Ako'y hindi multo
Wag ka sanang matakot
Wag ka sanang tumakbo.
Hangad ko'y iyong ngiti
Ang halakhak mamutawi
Mula sa may lipstick mong labi
Sa may blush-on mong pisngi
Please na, ako'y tingnan
Nang ako'y maligayahan
Di yata't masasayangan
Ako ng pinag-effortan
Ang polo kong bagong-bili
Ang sapatos kong walang dumi
Ang triceps kong lumalaki
At face value kong matindi
Bagama't tambay lang ako
Dito sa maliit na mundo
Ipagtatanggol kita
Mula sa wild monsters at mumu
Ako'y marunong din naman
Sa talas ng isip o pisikalan
Sa papel man o sa bakbakan
Walang uurungang laban
Ibibigay ko sa iyo
One-fourth ng life span ko
Dahil you know you are
Kalahati ng buhay ko
I'm risking being jologs
To finally win your heart
I want to see that smile
So I can finally start
At last, ikaw nga'y ngumiti
Nahulog ang ulap, nawala ang sawi
Ako'y kinawayan at iyong pinalapit
Ako'y nagmamadali habang puso'y umaawit
Bibig ko'y bumukas nawala ang kontrol
Siphayo'y nawala, lungkot ay nag-AWOL
Ako'y nagsalita, ang isip ay nawala
Tara, lika, inom tayo ng tequila
Nagulumihanan ako't nagimbal
Nang ako'y bigla mo na lang sinampal
Laking gulat ko nang ako'y mautal
Nagkamali ako, sa isip nakintal!
Hindi pala ako ang iyong kinawayan
Yung jongoloid pala sa likod ko'y dumaan
Saan ako pupunta, I'm dedz and I'm die
I've blown my chance away, ngayon ako'y patay
Umalis na lang ako sabay bili ng chiklet
Naglakad na lang sa Faura, nag-iisip ng hirit
Nang sa susunod ay aking mahawakan
Ang iyong kamay, iyong labi'y mahalikan
________________________________
Friday, March 11, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
 
 

It's me again... Natawa ako sa "tequila" ...ipilit daw ba? You're funny. Remind me a lot of someone. Sigh.
ReplyDeleteAstig to! :-D
ReplyDelete